Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng P1.5 billion para sa kompensasyon ng mga healthcare workers na nahawa ng COVID-19 habang sila ay nasa trabaho.
Inihayag ito ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go.
Sabi ni Go, nakapaloob din sa nabanggit na pondo ang meals, accommodation and transportation benefits ng mahigit 423,000
Healthcare workers na hindi pa nakatanggap ng nasabing allowance noong September 15 hanggang December 19, 2020.
Sabi ni Go, Isa itong pagpapakita ng pasasalamat ng gobyerno at buong bansa sa ating mga healthcare workers.
Diin ni Go, mahalagang maibigay sa mga healthworkers ang mga dapat nila matanggap na benepisyo bilang nangunguna sa paglaban sa pandemya.
Facebook Comments