Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa international community sa pagbibigay ng supply ng AstraZeneca vaccines sa bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte, ang pagtulong nila sa mga mahihirap na bansa ay isang “plus for humanity.”
“I don’t know how to express my gratitude to the donor countries. That you remembered the poor nations is in fact already a plus for humanity,” sabi ni Pangulong Duterte.
Dagdag pa ng Pangulo ang pagdating ng AstraZeneca ay magpapalakas sa vaccination program ng pamahalaan.
Malugod niyang tinatanggap ang tulong mula sa mga key partners sa international community.
Ang kooperasyon aniya ng international community sa public health ay mahalaga lalo na at kinakailangang magkaroon ng positive engagement.
Facebook Comments