Muling nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte kay US President Joe Biden dahil sa mga donasyong bakuna ng Estados Unidos sa bansa.
Sa talumpati ng Pangulo sa 9th Asean-US summit kahapon, binati ni Pangulong Duterte si President Biden sa unang beses na pakikilahok nito sa Summit.
Ayon sa Punong Ehekutibo, kinakailangan pang mapalakas ang bilateral, regional at international cooperation upang matiyak ang universal access sa COVID-19 vaccines at iba pang mga medisina.
Nanawagan din ang pangulo para sa matatag na political dialogue, economic engagement, at socio-cultural ties upang mas lalo pang mapagtibay ang ASEAN-US Strategic PartnershipBinanggit din nito ang kahalagahan ng commitment ng Estados Unidos na makipagtulungan sa ASEAN countries lalo na sa usapin ng maritime security at domain awareness issues.
Kamakailan nabanggit ng pangulo na nais nyang bumisita sa Amerika upang personal na magpasalamat kay President Biden sa mga kaloob nitong bakuna sa bansa.
Matatandaang nasa 10 milyon Pfizer vaccines ang commitment ng US government sa Pilipinas.