Pangulong Duterte, nagpasalamat sa Bahrain sa pagbibigay ng royal pardon sa dalawang Pilipino

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagtitibayin ang kooperasyon ng Pilipinas sa Bahrain lalo na sa pagbibigay ng proteksyon sa mga Pilipinong manggagawa.

Ito ay kasunod ng pagbibigay ni King Hamad Bin Isa Al Khalifa ng royal pardon sa dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa statement ng Malacañang, ipinapaabot ni Pangulong Duterte ang lubos na pasasalamat kay Majesty King Hamad sa pagbibigay ng pardon kay Roderick Aguinaldo at Edward Benjamin Garcia.


Para kay Pangulong Duterte, maituturing ang royal pardon na testamento sa malalim at matibay na pagkakaibigan ng Republika ng Pilipinas at Kingdom of Bahrain.

Sinabi pa ng Pangulo na magiging committed siya na pagtibayin ang bilateral relations ng dalawang bansa sa lahat ng mutual interest, tulad ng kooperasyon sa pagbibigay ng proteksyon at kapakanan ng mga Pilipino sa Bahrain.

Sa ngayon, nakauwi na sa bansa sina Aguinaldo at Garcia at maaari nang makapagsimula ng bagong buhay kasama ang kanilang pamilya.

Nabatid na ang dalawang Pilipinong manggagawa ay nagsilbi ng sentensya sa Bahrain kasunod ng pagkamatay ng isang foreign national.

Facebook Comments