Pangulong Duterte, nagpasalamat sa Israel para sa COVID response aid

Lubos na nagpapasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel sa mga ipinaabot nitong tulong para sa pagtugon ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Kabilang sa mga ipinaabot ng Israel ay COVID-19 test kits, at iba pang medical supplies.

Sa farewall call ni Israeli Ambassador Rafael Harpaz sa Malacañang, ipinaabot ni Pangulong Duterte sa kanya ang pasasalamat dahil sa pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa.


Ginawaran ni Pangulong Duterte si Ambassador Harpaz ng order of Sikatuna.

Pinuri ng Pangulo si Harpaz dahil sa pagpupursige niya na mapalakas ang kooperasyon sa defense, business and innovation, agriculture at labor.

Nagpapasalamat din si Pangulong Duterte sa Israel na isama ang mga overseas Filipino sa kanilang libreng vaccination program.

Sinabi naman ni Harpaz na mayrong pupuntang team of experts sa Pilipinas para ibigay ang mga best practices para labanan ang pandemya.

Pinasalamatan din ni Harpaz ang pangulo para sa nasabing pagkilala.

Facebook Comments