Pangulong Duterte nagpasalamat sa mga negosyante ng Thailand sa tulong nito sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas

169

Inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na ang pagkikipagpulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga business leaders sa Thailand ay isang paghahayag ng mga ito ng tiwala sa pamumuno ni Pangulong Duterte sa bansa.

Sinabi ni Panelo na patuloy si Pangulong Duterte sa pagtatrabaho para mapaganda ang ekonomiya ng bansa para maging isa ang Pilipinas sa mga bansang mabilis ang paglago sa rehiyon.


Nagpasalamat aniya si Pangulong Duterte sa mga negosyante sa pagiging instrumento sa pagpapatibay ng ekonomiya ng Pilipinas at pagbibigay ng trabaho para sa mga Pilipino.

Hinikayat din aniya ni Pangulong Duterte ang mga negosyante na magpasok pa ng negosyo sa Pilipinas lalo pa at mabilis ang paglago nito habang nagpapatuloy ang paglaban ng Pamahalaan sa matagal nang problema sa katiwalian.

Humarap kay Pangulong Duterte ang nasa 20 business leaders kung saan kasama din ng Pangulo ang kanyang gabinete.

Facebook Comments

From Advertisers