Pangulong Duterte, nagpasalamat sa Sultan ng Brunei dahil sa malaking tulong sa Mindanao

Brunei – Malaking bagay para sa Malakanyang ang biyahe ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Brunei.

Bukod kasi sa pakikiisa sa para sa 50th anniversary ng pagiging hari ni Sultan Haji Hassanal Bolkiah, nagkaroon din ng pagkakataon ang Pangulo na makapagpasalamat sa Sultan sa malaking tulong nito sa Mindanao.

Partikular dito ang malaking kontribusyon ng Sultan ng Brunei sa peace and development ng Mindanao.


Mamayang gabi ay agad ding babalik ng Pilipinas ang Pangulong Duterte at mamayang madaling araw ang dating nito sa Davao.

Facebook Comments