Pangulong Duterte, nagpasalamat sa US sa pag-donate ng COVID-19 vaccines sa PH

Lubos na nagpapasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos sa mga donasyong COVID-19 vaccines para sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang pulong kay United States Defense Secretary Lloyd Austin III sa Malacañang kagabi.

Sa statement ng Palasyo, ang Pilipinas ay kabilang sa mga benepisyaryo ng COVAX facility kung saan ang US ay largest contributor ng bakuna.


Ang Pilipinas ay nakatanggap na ng higit 3 million vaccine doses sa ilalim ng COVAX.

Sa ngayon, ang US ay nakapagpadala na ng 3.2 million doses ng Johnson & Johnson vaccines sa ilalim ng COVAX Facility.

Dalawang araw na bibisita sa bansa ang US official na layong palakasin ang alyansa ng Amerika sa Pilipinas.

Facebook Comments