Pangulong Duterte, nagpatawag ng cabinet meeting sa Davao City kaugnay ng idineklarang Martial Law sa Mindanao

Manila, Philippines – Nagpatawag ng special cabinet meeting si Pangulong Rodrigo Duterte sa Panaca, Davao City.

Dinaluhan ng halos lahat ng miyembro ng gabinete ng pangulo ang nasabing pagpupulong para talakayin ang ideneklarang Martial Law.

Kasama rin sa pagpupulong si PNP Chief Ronald Dela Rosa, AFP Chief of Staff Eduardo Año at iba pang pulis at army official kabilang ang mga police regional directors sa Mindanao.


Pangunahing pinag-usapan ang magiging mekanismo ng ipinapatupad na Martial Law sa Mindanao.

Dito rin inilatag ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Kinumpirma naman ni Special Assistant to the President Bong Go na pupunta si Pangulong Duterte sa Iligan City ngayong araw.
DZXL558

Facebook Comments