Pangulong Duterte, nagsagawa ng aerial survey para makita ang lawak ng pinsala ng Bagyong Ulysses

Nagsagawa si Pangulong Rodrigo Duterte ng aerial survey sa ilang mga lugar sa bansa na hinagupit ng Bagyong Ulysses.

Sa mga litratong ipinadala ni Senator Bong Go sa Malacañang Press Corps, makikita na lubog pa rin sa baha ang malaking bahagi ng Marikina malapit sa Montalban, Rizal.

Sakay ang Pangulo at si Sen. Bong Go ng presidential chopper nang magsagawa ng aerial survey kani-kanina lamang.


Kanina sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte, tiniyak nito sa sambayanang Pilipino na ang gobyerno ay ‘on the top of the situation.’

Ayon pa sa Pangulo, bago pa man manalasa ang Bagyong Ulysses ay na-mobilize na ang mga equipment at ang mga responders upang umalalay sa mga maaapektuhang residente.

Siniguro rin ng Punong Ehekutibo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito upang maipagkaloob ang ayuda, ito man ay shelter, relief, financial aid at post disaster counselling sa mga apektadong residente.

Facebook Comments