Pangulong Duterte, nagtaka kung paano nagka-COVID-19 si Roque

Nagtataka si Pangulong Rodrigo Duterte kung paano tinamaan ng COVID-19 ang kanyang tagapagsalita na si Secretary Harry Roque.

Matatandaang dumalo lamang sa pamamagitan ng video conference si Roque sa lingguhang public address ng Pangulo matapos niyang ianunsyo na nagpositibo siya sa COVID-19.

Sa kanyang Talk to the People Address, kinumusta ng Pangulo si Roque hinggil sa kanyang kalagayan.


Aminado si Roque na wala pa rin siyang ideya kung paano niya nakuha ang infection.

Binanggit niya na marami siyang binisitang ospital nitong mga nagdaang mga araw para sa vaccine rollout.

Gayumpaman, sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang nakikitang pagbabago sa kondisyon ni Roque.

Pagtitiyak ni Roque sa Pangulo na patuloy niyang gagampanan ang kanyang tungkulin lalo na sa pagsasagawa ng regular press briefings.

Pero kailangan niyang mag-isolate para maiwasang mahawaan ang ibang tao.

Sinisikap na ni Roque na matunton ang lahat ng mga nakasalamuha niya nitong mga nagdaang mga araw.

Facebook Comments