Pangulong Duterte, nagtalaga na ng ambassador ng Pilipinas sa Estados Unidos

Manila, Philippines – Inanunsyo na ng Palasyo ng Malacañang na mayroon nang ini-nominate na Philippine Ambassador to the Philippines sa Estados Unidos ng Amerika.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nais italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Jose Manuel Del Gallego Romualdez bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary sa USA.

Sinabi naman ni Abella na umaasa ang pamahalaan na sa pamamagitan ni Romualdez bilang pinuno ng embahada ng Pilipinas sa Washington DC ay mas lalakas at mas gaganda pa ang relasyon ng Pilipinas at ng US.


Nabatid na kailangan pang aprubahan ng makapangyarihang Commission on Appointments ang pagkakatalaga ni Romualdez bilang Ambassador.

Facebook Comments