Manila, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagulat siya sa dami ng Armas ng Teroristang Grupong Maute na hanggang sa ngayon ay nakikipagbakbakan sa Marawi City.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang pagharap sa mga sundalo ng 1002 infantry Brigade ng Armed Forces of the Philippines sa Sarangani ay sinabi nito na matagal na nilang alam na may pinaplano ang Maute, ISIS sa bansa.
Sinabi ng Pangulo na alam nilang ginamit ng ISIS ang Maute at ang mga ito naman ay labas pasok ng bansa para kumuha ng instructions mula ISIS sa middle east.
Pero hindi aniya nila inaasahan na ganito karami ang hawak na armas ng Maute na parang hindi nauubusan.
Pero ibinida ni Pangulong Duterte na kahit marami ang armas ng kalaban ay napigilan parin ng pamahalaan ang plano nito na magtayo ng caliphate sa bansa.
Pangulong Duterte, nagulat sa dami ng armas ng Maute
Facebook Comments