Pangulong Duterte, nais bumuo ng task force na nakatutok sa bagong strain ng COVID-19

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health at Department of Science and Technology na bumuo ng bagong Task Force para tumutok sa bagong strain ng COVID-19 na mula sa United Kingdom.

Sa pulong ng Inter-Agency Task Force Kahapon, sinabi ng Pangulo na dapat ay binubuo ito ng mga medical personnel para mapag-aralan ang bagong strain ng virus.

Nagbabala rin ang Pangulo sa publiko na huwag dapat makampante at paghandaan pa rin ang posibilidad na makapasok ito sa bansa.


Bukod sa Pilipinas, higit 40 bansa na rin ang nagpatupad ng travel ban sa UK

Facebook Comments