Pangulong Duterte, nais ipabuwag sa Kongreso ang PhilHealth

Ipinanukala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na buwagin ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang matapos na ang problema ng korapsyon sa ahensya.

Sa kaniyang public address, aminado ang Pangulo na mas nais niyang palitan ang PhilHealth ng bagong ahensya sa halip na i-privitize ito.

“Itong PhilHealth, I am going to propose to Congress to abolish the… Kung i-privatize mo naman, susmaryosep, walang pera. Sino insurance mo…? Huwag mo sabihin ng mga kapitalista sa insurance: Kami ang magbayad? Wala kayong pondo,” ani Pangulong Duterte.


Ikinokonsidera din ng Pangulo na magpatupad ng balasahan sa PhilHealth at ikunsiderang pagbitiwin ang lahat.

Iginiit din ni Pangulong Duterte na walang mangyayari kung mananatili ang kasalukuyang setup sa state-health insurance.

“Talagang either I’m going to revamp, consider everybody resigned there and if there’s the structure, we can slowly… And ‘yung i-disband ‘yung ibang ano. Just a simple — I mean as simple as it could ever be. That’s what I mean,” dagdag pa ng Pangulo.

Pagbubunyag pa ng Pangulo, humantong ang pamahalaan sa puntong ibenta ang real estate properties sa Japan para makalikom ng pondo.

Ang planong reporma ni Pangulong Duterte sa PhilHealth ay kasunod ng kaniyang pag-endorso ng paghahain ng administrative at criminal complaints laban sa ilang high ranking officials ng PhilHealth dahil sa pagkakasangkot sa anomalya sa ahensya.

Facebook Comments