Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na iprayoridad ang mga mahihirap na Pilipino sa mga makakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19.
Ito ang pahayag ng Pangulo matapos ihayag ni Galvez na ang COVID-19 immunization program ay magiging patas sa lahat, mayaman man o mahirap.
Sa kanyang ‘Talk to the Nation’ address, sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga mahihirap na benepisyaryo sa ilalim ng cash subsidy program ng pamahalaan ang dapat maunang mababakunahan.
Katwiran pa ng Pangulo, kaya naman ng mga mayayaman na bumili ng sarili nilang bakuna.
Kaugnay nito, iprinisenta ni Galvez kay Pangulong Duterte ang ‘Philippine National Vaccine Roadmap’ kung saan magiging time-based at objective-based.
Bago ito, sinabi ni Pangulong Duterte na tanging si Galvez lamang ang awtorisadong opisyal para makikipagnegosasyon para vaccine supply ng bansa.
Nais din ng Pangulo na dumaan ang pagbili ng bakuna sa ilalim ng government-to-government arrangement.