Manila, Philippines – Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte Na magkaroon ng kasulatan sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF,
Ito’y sakaling magdeklara muli ng ceasefire ang dalawang panig.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat nakasaad dito ang mga maaring gawin oras na pumalpak ang ceasefire.
Nakikipag-ugnayan na rin ang pangulo sa mga komunistang grupo.
Isinara na rin ng pangulo ang posibilidad ng pagkakaroon ng coalition of government kasama ang NDF.
Papayag si Pangulong Duterte sa isang all-inclusive government pero hindi uubra sa bansa ang koalisyon sa pagitan ng gobyerno at ng mga komunista.
Samantala, nangako naman si Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari na hindi siya sasabak sa giyera laban sa gobyerno.
Sa ngayon, gumagawa na ng bagong draft ng bagong bersyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Facebook Comments