Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na bumuo ng oversight body na nakatutok sa Boracay.
Nais niyang tawagin itong Boracay Island Development Authority (BIDA).
Sa kaniyang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Duterte dapat mayroong tanggapan na magbabantay sa isla para matiyak na mapapanatili ang epekto ng ilang buwang rehabilitasyon ng isla.
Umaasa ang Pangulo na sa nalalabing bahagi ng kaniyang termino ay patuloy na mapoprotektahan ang kalikasan.
Ang rehabilitasyon ng Boracay ay isa sa patunay ng pangangalaga ng pamahalaan sa kalikasan.
Kaugnay nito, nanawagan din si Pangulong Duterte sa Kongreso na silipin ang National Land Use Act (NaLUA) na matagal nang nakabinbin.
Sa ilalim ng NaLUA, layunin nitong i-harmonize ang land use policies sa bansa.
Nabatid na anim na buwang ipinasara ang Boracay noong 2018 para bigyang daan ang rehabilitasyon matapos ituring ng Pangulo ang isla bilang “cesspool.”