Pangulong Duterte, nais muling mag-ikot sa mga kampo ng militar

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang mga regular na pagbisita nito sa iba’t ibang kampo ng militar sa bansa.

Sa kanyang public address, aminado si Pangulong Duterte na kailangan niyang mag-ingat lalo na at batid niya na ang banta ng COVID-19 sa mga katulad niya na napapabilang sa vulnerable population.

Iginiit ng Pangulo na ayaw niyang nakakulong sa loob ng Malacañang subalit wala siyang magagawa pero sundin ang mga guidelines na itinakda ng pamahalaan.

Gusto rin niyang makita ang loob ng bagong barkong pandigma ng Philippine Navy na BRP Jose Rizal.

Una nang sinabi ng Philippine Navy na guest of honor at speaker ng seremonya si Panguong Duterte na i-uurong sa bagong petsa.

Facebook Comments