Pangulong Duterte, nais ng government-to-government transaction sa pagbili ng anti-COVID 19 vaccine upang iwas korapsyon

Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na government-to-government ang transakyon sa pagbili ng anti-COVID 19 vaccines sa sandaling maging available na ito sa merkado.

Sa kanyang Talk to the Nation kanina, sinabi ng Pangulo na ayaw niyang maging pribado ang makikipag-negosasyon sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa Pangulo, naniniwala siyang mas magiging maayos at mabilis kung government-to-government ang usapan sa pagbili ng bakuna mula sa bansang mauunang makakuha ng approval ng Food And Drug Administration (FDA).


Paliwanag pa ng Punong Ehekutibo na hindi manghihingi kundi bibilhin ng Pilipinas ang anti-COVID 19 vaccines.

Una nang sinabi ng Palasyo na posibleng sa China bibili ang Pilipinas ng bakuna dahil nasa third at final stage na ng clinical trial ang kanilang bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments