Pinag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-dismiss ang ilang tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nasuspinde dahil sa iregularidad.
Nabatid na walong DSWD officials ang sinuspinde o na-dismiss dahil sa iba’t ibang paglabag kabilang ang inefficiency, incompetence, serious dishonesty, grave misconduct at disgraceful immoral conduct.
Ayon kay Pangulong Duterte, nakiusap siya kay DSWD Secretary Rolando Bautista na magsumite ng suspension orders ng mga tauhan para kanyang pag-aralan ang kanilang mga dokumento at alamin kung tatanggalin sila sa kanilang serbisyo.
Una nang nangako ang Pangulo na paiigtingin niya ang anti-corruption efforts sa nalalabing bahagi ng kanyang termino.
Facebook Comments