Nakasubaybay si Pangulong Rodrigo Duterte sa sitwasyon ng bansa kasunod na rin ng pananalasa ng Bagyong Quinta.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go na nakausap niya ang Pangulo kagabi.
Pakiusap nito sa mga apektado nating mga kababayan na makinig sa inyong local government officials at huwag nang magpasaway kung kailangang ilikas upang makaiwas sa pagkawala ng buhay.
Mandato aniya ng Punong Ehekutibo sa mga Local Government Units (LGUs) at iba’t ibang sangay ng pamahalaan na manatiling laging handa at agad na tumugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
Pagkatapos aniya ng unos ay aayusing muli ang mga kalsada at tulay na winasak ng bagyo.
Namamahagi na rin aniya ng relief goods sa mga naapektuhang residente.
Kasunod nito, pinatitiyak din ng opisyal na nasusunod ang social distancing sa mga evacuation center nang sa ganon ay hindi kumalat ang COVID-19 sa evacuees.