Pangulong Duterte, nakabalik na ng bansa mula Brunei

Manila, Philippines – Nakauwi na ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang pagdalo nito sa Golden Jubilee Celebration ni Sultan Haji Hassanal Bolkia ng Brunei.

Pasado alas-dos kaninang umaga nang lumapag ang sinakyang eroplano nito sa Davao City.

Naging pribado ang ginawang pagdalo ng pangulo sa ika-50 anibersaryo sa pamumuno ni bolkia kung saan mga piling opisyal lamang ng mga iba’t-ibang bansa ang naimbitahan.


Sinabi naman ng Malakanyang na ang pagdalo ng pangulo ay magdadala ng magandang relasyon ng dalawang bansa.

Facebook Comments