LAOS, VIENTIANE – Bagaman hindi natuloy ang naunang plano na pagtabihin sila sa gala dinner ng ASEAN Summit, nagkausap na sina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Barack Obama.Nakatabi ng pangulo sa dinner table sina Russian Prime Minister Dmitry Medvedev at Indonesian President Joko Widodo.Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Charles Jose, na nagkaroon ng sandaling pagkakataon sina duterte at obama na makapag-usap sa loob ng holding room bago ang gala dinner.Wala namang ibang ibinigay na detalye si Jose kaugnay sa napag-usapan ng dalawang lider.Bukod dito, nagkamayan din sina Pangulong Duterte at UN Secretary Ban Ki Moon sa gala dinner.Samantala, hindi dumalo ang pangulo sa u-n asean summit at sa halip si Foreign Secretary Perfecto Yasay ang ipinadala nitong kinatawan.Magkasabay kasi ang U-N Asean Summit at bilateral meeting ni Duterte kay Laos Prime Minister Thongloun Sisoulith.Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, na nakaharap din ng pangulo si Chinese Premier Li Keqiang sa ASEAN China Summit kung saan natalakay ang isyu sa West Philippine Sea.Binanggit din ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, na hindi sinabi ng pangulo ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration na pabor sa Pilipinas bagkus hinikayat nito ang China at Asean na magkaisa at sumunod sa batas.Nagkasundo naman ang China at ASEAN na maglagay ng hotline at mga guidelines sakaling magkaroon ng hindi inaasahang engkwentro sa karagatan.
Pangulong Duterte, Nakaharap Sina Us President Barack Obama At Un Secretary Ban Ki Moon Sa Asean Summit, Kagabi
Facebook Comments