Pangulong Duterte, nakatakda nang malagdaan ang pambansang budget sa 2019

Tiwala si House Speaker Gloria Arroyo na malalagdaan ni Pangulong Duterte sa lalong madaling panahon ang 2019 budget.

 

Sa kabila nang hindi pa natatapos na bangayan ng Senado at Kamara, naniniwala ito na pipirmahan ng Pangulo ang pambansang pondo.

 

Mayroon lamang tinatapos at binubusisi sa mga itemized projects na nakapaloob sa General Appropriations Bill ang Presidente.


 

Kada taon din ay may line item vetoe ang Pangulo na nakasaad sa budget na inaalis nito kung sa tingin nito ay hindi katanggap-tanggap.

 

Sa katunayan, may imbitasyon na sila sa Kamara sa nakatakdnag paglagda ng Pangulo sa pambansang pondo pero hindi na binanggit ng Speaker kung kailan ito.

Facebook Comments