Pangulong Duterte, nakatakdang mag-shoot ng bagong COVID-19 infomercial

Inaasahang lalabas si Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong public service advertisement kung saan hinihikayat ang mga tao na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magshu-shoot ang pangulo ng kanyang spiel para sa nasabing infomercial sa darating na Lunes.

Ang public service ad ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan para mabawasan ang pag-aalinlangan ng mga tao sa COVID-19 vaccines.


Matatandaang naturukan na si Pangulong Duterte na dalawang dose ng Sinopharm vaccines.

Facebook Comments