Pangulong Duterte, nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng paggunita ng kabayanihan ni Gat Jose Rizal

92

Sa mensahe ni Pangulo Rodrigo Duterte, nanawagan ito sa sambayanang Pilipino na ipagpatuloy ang ipinamalas na kabayanihan at pagkamakabayan ni Dr. Jose Rizal.

Umaasa ang Punong Ehekutibo na maipapamana ang mga iniwang aral ni Rizal sa mga susunod pang henerasyon.

Kasunod nito, pinapurihan din ng pangulo ang mga tinaguriang makabagong bayani lalo na ang mga medical health workers at iba pang frontliners na patuloy na nagsasakripisyo para malabanan ng bansa ang COVID-19.


Kanina, pinangunahan ng pangulo ang selebrasyon sa Rizal Park kung saan nag-alay ito ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal.

Facebook Comments