Pangulong Duterte nakipag-jamming sa orchestra matapos ang #SONA2019

Image via RTVM

Isang awitin ang inihandog ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes.

Kinanta ni Duterte ang Pinoy love song na “Ikaw” at “Moon River” habang pinapatugtog ito ng Philippine Philharmonic Orchestra.

Hindi napigilan bumilib ng Presidente sa ganda ng musika mula sa Philharmonic.


“I salute you”, ani Duterte.

Niyaya din ng Pangulo ang grupo para maghapunan sa Malacañang. Ito ang unang beses na may tumutugtog na orkestra sa taunang SONA.

Matatandaang sinabi ng premyadong direktor na si Joyce Bernal na nais niyang magkaroon ng live music para sa nasabing okasyon.

Ayon kay Bernal, mas “festive” ang SONA ngayon kaysa noong nakaraang taon.

Panoorin ang video ng pagkanta ni Duterte:

Facebook Comments