Pangulong Duterte, nakipagpulong sa ilang mga mambabatas

108

Kinumpirma ng Palasyo na nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kagabi sa ilang mga mambabatas.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Cabinet Sec. Karlo Alexei Nograles, naging informal at relaxed ang nasabing pagpupulong.

Bagama’t hindi na nito pinangalanan ang mga present na lawmakers, ang mga ito aniya ay kaibigan ng pangulo noong ito ay alkalde pa ng Davao City.


Naging pagkakataon na rin aniya ito upang magkita-kita ang mga kaibigan ng Punong Ehekutibo na matagal na hindi nakapag-get together dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi pa nito na dahil patuloy sa pagbaba ang COVID-19 cases sa bansa, inaasahan nang masusundan pa ang ganitong mga pagpupulong kasama ang iba pang kaibigan at allies ng pangulo sa susunod na mga araw.

Facebook Comments