Pangulong Duterte, nakiramay sa mga nasawing indibidwal sa China matapos mag-collapse ang isa nilang quarantine facility

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga indibidwal na nasawi makaraang mag-collapse ang quarantine facility sa Quanzhou, Fujian, China.

Sa naging pagbisita ni Chinese Ambassador Huang Xilian sa Malacañang kahapon, sinabi ng Pangulo na kaisa ang Pilipinas ng China at International Community sa pagtugon sa Global Health Emergency na ito.

Kinilala rin ng Pangulo ang pag-handle at pagtugon ni Chinese President Xi Jinping sa usaping ito.


Kaugnay nito, sinabi naman ng Chinese Ambassador na nakikiisa rin sila sa Pilipinas at effort ng bansa na macontain ang pagkalat ng virus.

Nagpahayag rin ito ng kahandaan ng China na magpaabot ng tulong.

Sa pamamagitan, aniya, ng strong leadership ng Pangulo at ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, sinabi ng Ambassador na mapagtatagumpayan ng pamahalaan ang laban kontra virus.

Facebook Comments