Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pamilya ng mga namatay na sundalo dahil sa friendly fire kahapon na nangyari sa Marawi City.
Matatandaan na kahapon ay tinamaan nanaman ng airstrike ng gobyerno ang mga sundalo na nasa ground kung saan dalawa ang kumpirmadong nasawi at 11 naman ang sugatan.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, talaga namang nakalulungkot ang insidente kaya naman sa ngayon ay bumuo na ng isang team para magsagawa ng imbestigasyon sa naturang friendly fire.
Binigyang diin ni Abella, inialay ng mga magigiting na sundalo at pulis ang kanilang buhay sa ngalan ng kanilang pagmamahal sa bansa kaya hindi aniya makalilimutan ng Pamahalaan ang kabayanihan ng mga nasasawi sa bakbakan sa Marawi City.
Tiniyak din ni Abella na ibibigay ng Pamahalaan ang nararapat na benepisyo sa pamilya ng mga nasawing sundalo sa pakikipaglaban sa teroristang Maute.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Pangulong Duterte, nakiramay sa pamilya ng mga namatay sa isa nanamang friendly fire sa Marawi City
Facebook Comments