Pangulong Duterte, nakiusap sa China na hayaan ang mga Pilipinong makapangisda sa WPS

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa China na hayaan ang mga Pilipinong makapangisda sa West Philippines Sea.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, iginiit ni Pangulong Duterte na hindi nila hangad ang anumang gulo, pero kailangan ng mga Pilipinong mangingisda ng makakain.

Binigyang diin ng Pangulo na maraming Pilipinong nagugutom kaya dapat lamang na makapangisda sila ng payapa doon.


Handa si Pangulong Duterte na makipag-usap sakaling magkaroon ng anumang gulo sa pinagtatalunang teritoryo.

Una nang sinabi ng Malacañang na walang nilalagdaang fishing treaty ang Pilipinas at China sa West Philippines Sea pero patuloy na kinikilala ang traditional fishing rights sa lugar.

Facebook Comments