Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bansang lumagda sa Paris Agreement na magkaisa para labanan ang climate change.
Sa kaniyang talumpati sa 75th United Nations General Assembly, sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga developing countries gaya ng Pilipinas ang nakararanas ng halos buong epekto ng climate change.
“Climate change has worsened the ravages of the pandemic. Peoples in developing countries like the Philippines suffer the most. We cannot afford to suffer more,” sabi ng Pangulo.
Ang matinding pangangailangan sa pagtugon sa COVID-19 ay kailangan ding gawin sa pagtugon sa krisis na nangyayari sa klima ng mundo.
“The same urgency needed to fight COVID-19 is needed to address the climate crisis. This is a global challenge that has worsened existing inequalities and vulnerabilities from within and between nations,” giit ni Pangulong Duterte.
Panawagan ng Pangulo sa bansang lumagda sa Paris Agreement na kilalanin ang kasunduang kanilang pinasukan.
Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang pumirma sa Paris Climate Change Agreement.