Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Filipino healthcare workers na manatili muna sa bansa dahil kailangan pa rin ng pamahalaan ang kanilang serbisyo sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Ito ang pahayag ng Pangulo matapos niyang payagan ang overseas deployment ng Filipino nurses at iba pang health professional na may kasakuluyang kontrata at mayroong kumpletong dokumento mula nitong August 31.
Sa kaniyang public address, inanunsyo ni Pangulong Duterte na maaari nang magtungo abroad ang mga health workers na mayroong pirmadong kontrata.
Iginiit din ni Pangulong Duterte na kailangan din sila ng bansa sa panahong ito.
Paglilinaw rin ng Pangulo na hindi siya kontra sa pag-alis ng mga health workers dahil naiintindihan niyang kailangan nilang kumita.
Sa mga hindi pa pinapayagang umalis ng bansa, nakiusap si Pangulong Duterte na manatili muna hanggang sa matapos ang pandemya.
Una nang sinabi ng Malacañang, nasa 1,500 Filipino nurses at iba pang health professionals ang makikinabang sa pagpapaluwag ng deployment ban.
Nabatid na ipinahinto ng pamahalaan ang pagpapadala ng health workers sa ibang bansa para matiyak na may sapat na workforce sa bansa lalo na sa pagtugon sa pandemya.