Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government units (LGUs) na huwag pagpilahin ng napakahaba ang mga magpapabakuna dahil mas lalo lamang silang na-e-expose sa anumang banta sa kalusugan.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa mga LGUs na gumamit ng teknolohiya at makabagong paraan para matiyak na maayos na naipapatupad ang vaccination.
“Huwag ninyo paglinyahin kasi magkakasakit din ‘yan. Just the same, the very thing you try to avoid will happen… Barangay captain has a list of people in his barangay. It behooves upon you guys to make sure that they are given the numbers and appointed time and not make them queue,” ani Pangulong Duterte.
Inatasan din ni Pangulong Duterte ang mga kapitan ng barangay na arestuhin ang mga may-ari ng resorts na nagsasagawa ng mass gathering sa kanilang mga establisyimento.
Ipinapaalala ng Pangulo sa mga barangay officials ang kanilang mandato na ipatupad ang safety protocols laban sa COVID-19.