Pangulong Duterte, nakiusap sa mga Pilipinong nabakunahan na sundin pa rin ang health protocols

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kahit fully vaccinated na ang isang tao laban sa COVID-19 ay hindi nangangahulugang babalewalain na ang health protocols.

Paalala ng Pangulo sa mga Pilipinong nabakunahan na sundin pa rin ang COVID-19 health protocols kabilang ang pagsusuot ng masks, paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng distansya.

Ang vaccination ay isa lamang sa mga solusyon para puksain ang pandemya.


Sinabi naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na ikinokonsidera ng Inter-Agency Task Force (IATF) na luwagan ang ilang restrictions lalo na at tumataas ang bilang ng mga nabakunahan laban sa COVID-19.

Para naman kay Health Secretary Francisco Duque III na pag-aaralan ng vaccine experts panel ang panukalang luwagan ang restrictions sa mga fully vaccinated individuals.

Facebook Comments