Nananatili ang trust & confidence ni Pangulong Rodrigo Duterte kay PNP Chief Oscar Albayalde.
Ito ay sa gitna nang pagkakadawit ng pangalan nito bilang protektor umano ng mga ‘ninja cops’ kasunod ng rebelasyon ni dating Criminal Investigation and Detection Group Director Benjamin Magalong sa isinagawang executive session ng Senado.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Salvador Panelo nananatili ang stand ng pangulo na hangga’t hindi pa napapatunayang guilty o sangkot sa ilegal na gawain ay nananatiling inosente ang isang indibidwal.
Pero sa oras na mapatunayang sangkot nga si Albayalde sa gawain ng mga ninja cops ay hindi ito palalampasin ng Pangulo.
Maliban sa pagkakasibak sa pwesto ay posible din itong maharap ng administrative at criminal charges.