Pangulong Duterte, nananatiling kumpiyansa sa COVID-19 vaccine development

Nananatiling kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte sa vaccine development na isinasagawa ng China.

Ito ay sa harap ng pag-uunahan ng maraming bansa na makabuo ng ligtas at mabisang gamot at bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, karamihan sa mga bakuna ay sumasailalim na sa ikatlo at pinal na bahagi ng clinical test.


“The President is most hopeful with China but he has also said that Johnson and Johnson is on track,” dagdag ni Roque.

Binanggit din ni Roque na ang Moderna, ang pharmaceutical firm na nakabase sa Estados Unidos ay nakagawa ng “promising results” sa third phase ng clinical trials nito sa kanilang potensyal na bakuna.

Nakikipagtulungan din ang Pilipinas sa Russia para naman sa kanilang COVID-19 vaccine na ‘Sputnik V’ sa sasailalim sa third phase ng clinical trials sa Russia at Pilipinas.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na bibili ang pamahalaan ng abot-kayang bakunang ibebenta sa merkado.

Sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2, ang pamahalaan ay may standby fund na ₱10 billion para sa COVID Testing at Procurement ng mga gamot at bakuna.

Facebook Comments