Pangulong Duterte, nananatiling suportado si Sec. Duque

Nananatili pa rin ang matibay na suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III.

Ito ay sa kabila ng mga panawagang magbitiw na ang kalihim sa kanyang pwesto.

Sa kanyang talumpati sa Antipolo City, sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang nakikitang dahilan para sibakin si Duque.


Hindi niya paalisin ang kalihim sa kabila ng payo ng maraming tao, kabilang na ang mga miyembro ng gabinete.

Pero magiging iba na ang istorya, kung si Duque na mismo ang humiling na umalis sa pamahalaan.

Facebook Comments