Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na ipaglaban at ipagtanggol mula sa mga mananakop ang soberenya ng bansa.
Ito ang pahayag ng Pangulo kasabay ng ika-500 taong anibersaryo ng pagdating ng mga Kastila sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa Eastern Samar, iginiit ni Pangulong Duterte na dapat sariwain ng mga Pilipino ang kasaysayan at ipagpatuloy ang mga sinimulan ng mga ninuno.
Aminado si Pangulong Duterte na iba ang kanyang pananaw hinggil sa pagdating ng mga Español sa bansa dahil ang kasaysayang ito ay may iniwang mabuti para sa bansa.
Aniya, hindi makakaabot ang Pilipinas sa kinatatayuan nito na isang moderno, progresibo, at maunlad na bansa kung hindi nangyari ang makasaysayang pagdating ni Ferdinand Magellan noong March 1521.
Ang pagdating ni Magellan sa bansa ay isa sa pinakaimportanteng bahagi ng kauna-unahang paglalayag ng tao sa mundo.
Sumisimbulo rin ito para ipakita sa mga mananakop ang pagkakaisa at kadakilaan ng atng mga ninuno.
Umaasa si Pangulong Duterte na ang kamalayang ito ay maipamulat sa mga bagong henerasyon.
Nagpapasalamat din si Pangulong Duterte sa Spain sa kanilang ginawang expedition sa Pilipinas limang siglo na ang nakararaan at umaasang mapagtitibay pa ang bilateral relations ng dalawang bansa.