Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na bigyang-atensiyon ang ayudang ibinibigay ng pamahalaan na tulong pinansiyal ng publiko ngayong COVID-19 pandemic.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, sinabi nito na nauubusan na ng pondo ang pamahalaan dahil sa ayudang ibinibigay sa publiko.
Hinikayat naman nito ang lahat na bigyang importansiya at gamitin sa tamang paraan ang natanggap na ayuda dahil naging masikap ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagbibigay nito sa publiko.
Sa ngayon paliwanag ni DILG Sec. Eduardo Año, umabot na sa 93 Local Government Units (LGUs) sa NCR plus bubble ang nakakumpleto sa pamamahagi ng ayuda.
Kabilang dito ang 99.67 percent o 22,838,875 mga Pilipino sa bansa.
Matatandaang sa ilalim ng pamamahagi ng “ECQ ayuda” kada benepisyaryo ay tumanggap ng P1,000 ayuda o maximum na P4,000 kada low-income family.