Pangulong Duterte, nanawagang ihinto ang vaccine nationalism

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagkabahala sa hindi patas na access sa COVID-19 vaccines.

Sa kanyang talumpati sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Retreat, ang pandemya ay nagiging “karera” o “paunahan” sa immunity.

Pinuna rin ni Pangulong Duterte ang kawalan ng matibay at tulong-tulong na pagtugon sa sitwasyon.


Binanggit din ni Pangulong Duterte na hindi pa buong nakokontrol ng Pilipinas ang COVID-19 kung saan patuloy na naghihirap ang mga tao.

Hindi balanse aniya ang access sa bakuna kaya maraming developing countries tulad ng Pilipinas ang naghihintay ng vaccine supply.

Kaya panawagan ng pangulo, tapusin na ang vaccine nationalism.

Nanawagan din ang Pangulo ng patas na access sa ligtas at epektibong bakuna lalo na at nakasalalay ang pagbangon ng ekonomiya sa malawakang pagbabakuna sa buong mundo.

Dagdag pa ng Pangulo na gumawa ng paraan ang APEC para tiyaking naaabutan ang lahat ng bansa ng bakuna, at maging abot-kaya ang presyo nito.

Facebook Comments