Pangulong Duterte, nangakong aalalayan ang mga health workers ng medical supplies

Tiniyak ng pamahalaan na palagi nilang iniisip ang kapakanan ng bawat health frontliners sa bansa kabilang ang pagbibigay sa kanila ng supplies na kailangan sa paglaban sa pandemya.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, patuloy siyang makikipagtulungan sa Kongreso para sa mga panukalang batas na magpapabuti sa kalayagan ng medical frontliners.

Inatasan din ni Pangulong Duterte ang lahat ng government agencies na magtulungan sa pagpapatupad ng mga bago at kasalukuyang batas.


Ipinaalala rin ng pangulo ang whole-of-nation approach para sa maayos na pagtugon sa mga kasalukuyang hamong kinakaharap ng bansa.

Pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang Kongreso sa pagpasa ng mga batas na layong pagbutihin ang kalidad ng pamumuhay ng bawat Pilipino.

Facebook Comments