Pangulong Duterte, nangakong magde-deploy ng mas maraming babae sa UN peacekeeping missions

Sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations General Assembly, nagpasalamat ang Pangulo sa mga matatapang na peacekeepers na ang misyon ay panatilihin at magkaroon ng kapayapaan sa ilang conflict areas.

Nangako rin si Pangulong Duterte na magpapadala ang bansa ng karagdagang babaeng peacekeepers sa United Nations.

Kadalasan kasing babae ang dine-deploy sa UN peacekeeping missions sapagkat mas nakakapalagayan sila ng loob ng mga babae at kabataang survivors sa mga gender-based violence.


Nabatid na kabilang ang Pilipinas sa 20 UN peace operations tulad ng peacekeeping missions sa Asia, Africa, Middle East, at South America magmula pa noong 1963.

Facebook Comments