Namagitan si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu sa House leadership sa pagitan nina Taguig Representative Alan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco bilang pinuno ng ruling party na PDP-LABAN.
Ito ang pahayag ng Malacañang matapos makapulong ni Pangulong Duterte ang dalawang mambabatas para ayusin ang gusot sa liderato.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi trabaho ng Palasyo kung sino ang magiging House leader.
Nanghimasok lamang aniya ang Pangulo sa isyu dahil siya ang naglatag ng term-sharing deal sa pagitan nina Cayetano at Velasco.
“He intervened because he is the party chair of PDP-Laban and allied forces and he facilitated an agreement of sorts between the two contenders,” sabi ni Roque.
Iginiit ng Malacañang na kinikilala nla ang Kongreso bilang co-equal branch ng gobyerno.