Pangulong Duterte, nanindigang hindi haharap sa International Court

Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na kailanman ay hindi siya haharap sa anumang paglilitis ng korte sa ibang bansa.

Sa kanyang talumpati sa Letye, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya istupido para hayaan ang mga “animal” sa international tribunal na litisin siya.

Hindi kikilalanin ng Pangulo ang hurisdiksyon ng international court at tanging mga paglilitis sa Pilipinas lamang siya haharap.


Nagbabala rin ang Pangulo na hahabulin niya ang mga gustong sumira sa bansa gamit ang ilegal na droga.

Matatandaang inanunsyo ng International Criminal Court (ICC) na mayroong batayan para paniwalaang may nangyaring crimes against humanity sa kampanya kontra droga ng Administrasyong Duterte.

Facebook Comments