Nanindigan ang Malakanyang na hindi ito makikipagtulungan sa gagawing imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng nais ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda na magkaroon ng full investigation sa nagaganap na patayan sa gitna ng giyera kontra droga sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi makikipagtulungan si Pangulong Duterte sa ICC hanggang matapos ang termino nito sa June 30, 2022.
Habang alinsunod din noong March 2019, hindi na parte ang Pilipinas ng Rome Statute kaya wala na itong kapangyarihang imbestigahan ang war on dugs ng bansa.
Ang Rome Statute ay isang tratado na itinatag ng ICC na layong imbestigahan ang mga indibidwal na nasasangkot sa genocide, crimes against humanity, war crimes, at aggression crimes.