Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang posisyon na ipagbawal ang mga paputok dahil na rin sa isyu ng kalidad at kaligtasan ng mga produktong ibinibenta sa merkado.
Sa kanyang “Talk to the Nation Address,” pinagsabihan ni Pangulong Duterte ang mga firecracker manufacturers dahil sa hindi paglalagay ng proper labels at warnings sa kanilang mga produkto.
Ang tinutukoy ng Pangulo ay ang mga gumagawa ng ipinagbabawal na paputok gaya ng “Super Lolo” at “Goodbye Philippines.”
Aminado ang Pangulo na hindi mahahabol ng pamahalaan ang mga ito dahil sa maling pagma-manufacture ng mga paputok.
Pero iginiit ng Pangulo na naiintindihan niya ang hinaing ng mga manufacturers, pero hindi rin niya hahayaang makalusot ang mga produktong mapanganib sa publiko.
Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Duterte na ipatutupad niya ang total ban sa mga paputok pero isasapinal pa lamang ito.
Sa ngayon, ang mga Metro Manila mayors ay nagkasundong ipagbawal ang lahat ng uri ng paputok sa rehiyon.