Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang magbitiw sa pwesto kapag napatunayang kinurakot ni Health Secretary Francisco Duque III o ng sinumang opisyal sa Ehekutibo ang P67.3 billion COVID-19 pandemic fund.
Ayon sa pangulo, nagsalita na ang Commission on Audit (COA) na walang nawalang pondo at walang korapsyon pero pilit pa ring hinahanapan ng butas ng Senado para siraan ang Ehekutibo.
Aniya, kung mapatunayan na mayroong kinurakot na pera ng taumbayan ay magbibitiw ito sa puwesto at pananagutan niya ito.
Muli ring binanatan ni Pangulong Duterte si Senador Richard Gordon dahil sa pagpupumilit na idawit siya sa isyu kaya kung saan-saan aniya na napupunta ang imbestigasyon ng Senado.
Facebook Comments