Pangulong Duterte, nanindigang walang tinanggap na kickback ang mga opisyal ng gobyerno

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na walang tinanggap na kickback ang mga opisyal ng gobyerno sa pinasok nitong transaksyon gaya ng sinisilip ng Senado.

Kaugnay ito sa pagbili ng pamahalaan ng umano’y overpriced na medical supplies.

Sa Talk to the Nation ng pangulo kagabi, sinabi nito na ang intensiyon lamang ng pagdinig na pinamumunuan ni Senate Blue Ribbon Committee at Senator Richard Gordon ay hanapan lamang siya ng butas.


Giit ng pangulo, imposible na ngayon lamang siya kukuha ng kickback kung kailan malapit nang matapos ang kaniyang termino sa pagkapangulo.

Hindi kasi niya sasayangin ang ilang dekada na niyang pamumuno para lamang sa anumang anomalya.

Facebook Comments